You deserve to be with somebody who makes you happy. Somebody who doesn’t complicate your life. Somebody who will not hurt you.
Walang magbabasa nito
Kadalasan, palagi ko na lang naririnig na ang lalaki ang may dahilan kung bakit nasisira ang isang relasyon. Wala akong masyadong naririnig na ang babae ang may dahilan. Bakit kaya ganon? O hindi lang din napapansin ng mga babae na minsan nagkakamali din naman sila. Minsan sila din ang may ang may gawa kung bakit nagkakaroon ng problema ang isang relasyon. Tuloy kadalasan talaga, ang labas ng imahe ng isang lalaki ay babaero, manloloko, o kaya naman gago.
Kapag ganyan na ang naging tatak ng isang lalaki ang hirap ng baguhin sa mata ng ibang tao. Kahit na hindi totoo at hindi pa nila nakikilala ang isang lalaki kapag may tatak ng ganyan, kadalasan hindi na nabibigyan ng isa pang pagkakataon na ipakita kung ano o sino ba talaga siya.
Sabi nga ng isang kasabihan o kataga “Everybody deserves a second chance.”. Kaya bigyan mo ng isang pagkakataon pa ang tao, malay mo mali ang impresyon na naibigay sakanya at kilalanin pa siya ng mas maigi.
(Source: madramanglalaki)
Hello! Buhay pa naman ako, ang tagal kong hindi nakapag-blog.
Kasi:
- Dumating na si Ate dito sa bahay galing Taiwan. Syempre kanya ang internet, eh hindi naman wifi sa bahay.
- Nakakatamad ng mag-blog kapag may kakilala na nag-follow sa’yo.
- Puro family time ako ngayon.
Akala ko nga hindi ako makakatagal ng hindi pagpost dito sa tumblr eh. Kakayanin naman pala kapag may pinagkakaabalahan ka at kapag may kaagaw ka ng internet. Hahahaha!
Buhay pa din pa kaya ang mga kaibigan ko dito? Kamusta na kayong lahat? :))

(Source: staypozitive)

After 3 years nakasama ko ulit itong makulit kong ate. Miss na miss ko to eh. May kausap na ulit ako sa bahay, may kakulitan, may kasama sa kalokohan at may nakakakwentuhan sa halos lahat ng bagay. :)
Ngayon ngayon lang kami naging medyo close, kasi ang laki ng agwat namin sa age. Noon hindi kami magkaintindihan, pero ngayon okay na. Ganon pala kapag tumatanda na, talagang nagkakaroon ng maturity at nawawala na ang away ng magkakapatid. :D Kaya mahal na mahal ko tong kapatid kong to eh. :)
Kaya kung may kapatid ka, pahalagahan mo at mahalin mo rin. :)
No matter how hard and painful the trials be, if he’s/she’s the one you’ll always get through it and move on from it.
Problemado? Magsuot ng ngiti siguradong hindi nila mahahalata.
(Source: madramanglalaki)
Sinong pwedeng magbigay sa akin ng yakap. Sobrang lamig dito. LOL!
Siguradong walang gusto magbigay ng yakap sa akin. Kaya unan ko na lang ang yayakapin ko. HAHAHA!
Hahaha! Ganyan pala ako kadesperado sa yakap noon? XD Hanggang ngayon pala. :))))
May mga bagay na kahit naiintindihan mo na ang dahilan, hindi mo pa din ma-gets kung bakit.
(Source: madramanglalaki)


